BFP, pormal nang inilunsad ang “Oplan Paalala, Iwas Paputok” campaign

Pormal nang inilunsad ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaninang 9am ng umaga ang “Oplan Paalala, Iwas Paputok” campaign.

Kasabay ito ng nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa BFP, mahalaga ang programa para maipaalala sa publiko na umiwas sa anumang sakuna dahil sa paggamit ng paputok.


Habang layon din nito na mabawasan ang mga fire-cracker related injury na naitatala kada taon.

Ilan sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang Watusi, Piccolo, Atomic Triangle, Large-size Judas Belt, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Boga at Kabasi.

Facebook Comments