Manila, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Fire Protection na wala silang nakitang paglabag ng pamunuan ng Koinz Jenza Ice Plant Inc. dahil sa reklamong masangsang na amoy na inireklamo umano ng mga residente kaninang alas singko ng umaga sa Sgt. Esguerra Street Brgy. South Triangle QC.
Ayon kay BFP Regional Director Fire Sr. Supt. Ruel Jeremy Diaz wala silang nakitang paglabag sa naturang planta ng yelo matapos masuri ng kanyang mga tauhan ang Koinz Ice Plant.
Paliwanag ni Raymond Catchero Technician ng Koinz Ice Plant Ice walang katutuhanan na mayroon siyang mga kasamahan na nahihilo dahil sa masamang amoy ang lahat umano ng airconditioning devices ay pinapagana ng Freon ang ang modelong ginamit nila ay 134-A refrigerant ang modelong makakalikasan hindi tulad ng dating freon na sumisira sa ating Ozone Layer.
Una rito inulan ng mga reklamo ang Brgy. South Triangle dahil sa umanoy mabahong amoy na nanggagaling sa planta ng yelo.
Paliwanag ni Catchero bilang Technician ipinayo nito sa mga trabahador na ituloy lang ang kanilang ginagawa dahil wala umano siyang nakikitang dahilan para ihinto ang kanilang operasyon.
Ang naturang planta ay katabi ng gasoline station, at ilang mga Business Establishment.
Sa ngayon ay wala namang nagrereklamong mga residente sa ginawang operasyon ng naturang planta.