BGEN PASIA, MAY PANAWAGAN SA LAHAT NG SEKTOR SA PAGSUGPO NG INSURHENSIYA

Nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan si BGen Audrey Pasia sa lahat ng ahensya at sektor ng lipunan para tuluyan ng masugpo ang insurhensiya hindi lamang sa Rehiyon Dos kundi sa buong bansa.

Aniya, ang insurhensiya ay hindi lamang laban ng kasundaluhan ngunit laban din ng lahat. Malaki ang ambang ng iba’t ibang sektor gaya ng Local Government Units (LGUs), Non-Governmental Organizations (NGOs), mga sibilyan, at maging ang Media.

Binigyang diin ng Heneral na napakalaki ng gampanin ng Media at nanawagan siya na tulungan ang kanilang hanay na maiparating sa mga natitirang miyembro ng armadong grupo ang ukol sa mga programa ng gobyerno at bukas ang pinto ng kasundaluhan sa mga nag nanais pang sumuko.

Sa kaniya namang naging talumpati, aniya walang ibang magmamalasakit sa Pilipinas kundi Pilipino lang at walang ibang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino rin.

Facebook Comments