BGEN AUDREY PASIA, ITINALAGA NA BILANG 5ID ACTING COMMANDER

35
Pormal ng itinalaga si BGen Audrey Pasia bilang Acting Commander ng 5th Infantry Star Division nitong Lunes, September 5, 2022 sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Isinagawa ang traditional na seremonya ng Turn-Over ng Command Symbol kung saan ipinasa ni MGen Laurence Mina, outgoing Commander ang bandila kay Acting Commander BGen Audrey Pasia.

Si BGen Pasia ay nagtapos sa Philippine Military Academy β€œBigkis Lahi” Class of 1990. Nagsimula itong manilbihan bilang Platoon Leader ng 2nd Infantry Division. Pinamunuan din niya ang 10th Intelligence and Security Unit sa Northern Mindanao, maging ang 9th Military Intelligence Battalion sa Bicol Region, at 2nd Infantry Battalion sa Albay.

Naging commander din siya ng 702nd Infantry (Defender) Brigade sa Region 1 bago ito itinalaga bilang Assistant Division Commander ng 5ID.

Samantala, binigyan si MGen Laurence Mina ng pagkilala mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Office of the President, Philippine Army North Luzon Command, at iba pa, para sa mga naging tagumpay nito bilang Commander ng 5ID.

Facebook Comments