BHERT ng Taguig, patuloy sa pagiikot kaugnay sa COVID-19

Tiniyak ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na patuloy ang pagikot ng Barangay Health Emergency Response Teams o BHERT upang ma-monitor ang mga kalusugan ng mga residente sa kanyang nasasakopan.

Ayon kay Mayor Cayetano katuwang din nito Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga kaso ng nasabing virus sa lungsod.

Kasama na rin, aniya, rito ang mga persons under monitoring (PUMs) na umabot na ito sa 226 at persons under investigation (PUIs) na nasa 139 mula sa iba’t-ibang barangay ng kanyang lungsod.


Aniya, may pitong bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Taguig City na mula sa Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Fort Bonifacio at Pinagsama.

Hinikayat naman ng alkalde ang kanyang mga residente na makipagtulungan sa kanila at hiningi ang kanilang kooperasyon upang hindi na lumala ang sako ng nasabing virus sa kanilang lungsod.

Sa pinakabagong tala ng Taguig City Health Office, tumaas pa ng 62 ang bilang ng kaso ng COVID-19 mula sa 55 noong Lunes.

Facebook Comments