BHW, Timbog sa Iligal na Droga

23

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang Barangay Health Worker (BHW) matapos ang ginawang paghahalughog sa kanyang bahay at masamsaman ng hinihinalang iligal na droga dakong alas-5:30 ng hapon nitong Sabado sa Brgy. Bulala, Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Nhina Margaret Garceron, 32-anyos, may-asawa at residente sa naturang lugar.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang pouch-wallet na naglalaman ng apat (4) na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.5 grams; caliber 45 na baril at bala ng Caliber .38

Nabatid na dating Tokhang Responder ang suspek at nagtapos na rin sa Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) taong 2019.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang suspek.

Facebook Comments