DA, dapat maglatag ng long term solution sa problema sa suplay ng karne ng baboy

63

Pinapahanapan ni Senator Christopher “Bong” Go kay Agriculture Secretary William Dar ng long term solution ang problema sa supply ng karne ng baboy, lalo pa’t kasama ito sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ang pangangalampag ni Go sa Department of Agriculture o DA ay kasunod ng panibagong pork holiday na isinagawa ng mga magbababoy.


Ayon kay Go, makakagaan sa mga consumer ang mga imported na karne ng baboy pero apektado naman ang mga local hog raisers.

Kaugnay nito ay umapela naman si Go sa mga supplier na isipin din ang kapakanan ng mga mahihirap at iwasan na ang pork holiday.

Nilinaw naman ni Go na naiintindihan din niya ang kalagayan ng mga traders pero umaasa siyang babalansehin ng mga ito ang sitwasyon lalo pa at nahaharap sa pandemya ang bansa.

Facebook Comments