BI at Commission on Filipino Overseas, inilunsad ang kanilang joint system para sa mga port of entry at exit sa bansa

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na mas mabisa pa ang kanilang operasyon kasunod nang inilunsad na joint system kasama ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) para sa mga port of entry at exit.

Ang event na isinagawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay layong makapagbigay ng mas pina-simpleng paraan sa pagproseso, pagkolekta, pag-verify at pagbibigay ng impormasyon o datos na kinakailangan ng BI at CFO.

Sa iprinisintang sistema, mayroong interconnected system sa pagitan ng dalawang ahensiya para sa real-time verification ng mga certificate na inisyu ng CFO.


Layon din ng joint system na tugunan at wakasan ang illegal recruitment, human trafficking at irregular migration incidents sa Pilipinas habang nagbibigay ng totoong datos sa migration.

Dagdag pa ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang joint system ay magiging daan din para sa agarang pagkaka-detect ng pekeng CFO certificates at maiwasan ang mga tangkang panloloko.

Facebook Comments