Ikalawang araw na pagbiyahe ng tunnel boring machine na gagamitin para sa konstruksiyon ng Metro Manila Subway project, maayos na naisagawa

Naging matagumpay ang ikalawang araw na pagbiyahe ng tunnel boring machine na gagamitin para sa konstruksiyon ng Metro Manila Subway project.

Kasunod nito maagang natapos at naging maayos ang nasabing pagbiyahe.

Bandang alas-12 ng madaling araw kanina ng dumating sa Bonny Serano sa may Quezon City ang walong tunnel boring machine na mula pa sa Maynila.


Taliwas ito, sa inaasahang oras ng Department of Transportation dahil sa mas maaga itong natapos kanina.

Kasunod nito, hindi naman gaano naramdaman ang bigat ng daloy ng trapiko sa mga rutang dinaanan ng nasabing pagbiyahe.

Facebook Comments