Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang sinumang dayuhan na lalahok sa partisan political activities sa bansa.
Ayon sa BI, maaaring ma-deport ang foreigners na mahuhuling nakikisawsaw sa pulitika sa Pilipinas.
Maging ang mga dayuhan na may permanent resident visa sa Pilipinas ay hindi pinahihintulutan ng batas na lumahok sa election campaigns mass actions at mga kilos protesta.
Binalaan din ng BI ang mga empleyado nito na manatiling apolitical.
Facebook Comments