BI, dumepensa sa pag-hold nila kagabi sa naia kay Mayor Mahilac na kasama sa narcolist

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nakalabas ng bansa  kagabi si Mayor Crisinciano Enot Mahilac ng Sinacaban, Misamis Oriental.

Dumepensa naman ang BI sa tatlumpung minutong interogasyon nila kay Mayor Mahilac sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 bago ito pinayagang pumasok sa eroplano.

Nilinaw naman ng BI na hindi nila maaaring pigilang lumabas ng bansa ang alkalde dahil wala namang hold departure order ang korte bagamat kasama ito sa narcolist.


8:15 kagabi nang magtungo si Mayor Mahilac sa Singapore sakay ng Tiger Airways flight 391.

Kinumpirma rin ng BI na si Mayor Mahilac ay mayroong return flight at dalawang araw lamang itong mananatili sa abroad.

Facebook Comments