Driver, Patay Matapos Magulungan ng Minamanehong Dump Truck!

*Reina Mercedes, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang tsuper matapos aksidenteng magulungan ng kanyang minamanehong dump truck dakong alas nuebe kaninang umaga sa isang Grain Center sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jhun jhun M. Tutatan, 39 anyos, residente ng Brgy. Flores, Naguillian, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa IPPO, lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes na habang nagkukumpuni ang biktima sa ilalim ng kanyang minamanehong sasakyan ay bigla umano itong umatras kaya’t nasagasaan ang biktima.


Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Sa ngayon ay tinitignan pa ng mga otoridad kung may pananagutan ang pinagtatrabahuang kumpanya ng biktima.

Facebook Comments