
Patuloy na hinihimok ng Bureau of Immigration (BI) ang mga airline company na makiisa at maisama ang kanilang sistema sa Advance Passenger Information System o APIS.
Ito’y kasunod ng naiuugnay na ilang indibidwal sa critical activities sa ibang bansa.
Ayon sa BI, pinalawig pa nila ang pagpatutupad ng Advance Passenger Information System (APIS), bilang bahagi ng pagpapalakas ng national security sa pamamagitan nang maagang pagtukoy sa mga banta.
Ang APIS ay isang digital platform na nagpapahintulot sa mga awtoridad na masuri ang mga papasok na biyahero kahit bago pa sila dumating sa bansa.
Matatandaang nitong linggo, hinarang at hindi pinayagan ng BI na makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang dayuhang pasahero matapos itong ma-flag ng sistema dahil sa pagkakaroon ng Interpol blue notice.









