
Panahon na umano upang magkaroon Ng Tripartite Inter Agency EDSA Task Force upang protektahan ang mga worker-commuter.
Ginawa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pahayag matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamanalang ipatigil ang EDSA rehabilitation project.
Iginiit ng TUCP na maisama sa Tripartite Inter-Agency EDSA Taskforce ang mga kinatawan mula sa hanay ng mga employer at mga mangagawa.
Layon nito na makabuo ang mga pangunahing sangay ng pamahalaan ng makatotohanan at isang commuter-sensitive rehabilitation plan.
Ayon pa sa grupo, ang malaking reset na ito ay pagkakataon sa pamahalaan upang masigurong mas inclusive at mabisang ang gagawing pagpapaluwag sa EDSA.
Ayon sa grupo, ang EDSA ay hindi lamang ordinaryong highway dahil ito ang economic artery ng bansa, kung saan dito bumibiyahe ang mga employer at manggagawa patungo sa kanilang pook-trabaho.
Naniniwala ang grupo na ang public infrastructure ay napapakinabangan ng publiko sa pamamagitan ng pagpapagaan sa kanilang pagbiyahe sa workplace at hindi naghahatid ng perwisyo sa mga naghahanapbuhay.