BI, ikinalugod ang EO ng Pangulong Duterte para sa advanced passenger info system

Welcome sa Bureau of Immigration (BI) ang pag-isyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na nagbibigay ng mandato sa pagpapatupad ng Advanced Passenger Information (API) system.

Layon nito na mapatibay pa ang border control at mapigilan ang pagpasok ng mga terorista at iba pang undesirable aliens sa international ports of entry ng bansa

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na sa pamamagitan ng API project ay tiyak na mapapalakas ang pagbabantay sa mga borders dahil magkakaroon na ng layers ng protection sa mga foreigners na mayroon nang criminal at derogatory records mula sa kanilang ports of origin.


Sa ilalim ng EO 122, ang API ay isang electronic transmission ng mga impormasyon mula sa mga captain, master o agent, maging ang mga nagmamay-ari ng mga commercial carrier bago ang pagdating o pag-alis ng mga pasahero sa ano mang port of entry ng bansa.

Kabilang sa mga impormasyon na makukuha ang flight details, pangalan, petsa ng kapanganakan, gender, citizenship at travel document data ng mga pasahero o crew/non-crew members.

At kung mayroon mang derogatory records ang mga pasahero ay hindi na sila papayagan ng mga airline companies na makasakay sa kanilang flights.

Facebook Comments