Isang lugar sa Quezon City, inilagay muli sa special concern lockdown dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases

Matapos ang isang buwang pagkakatanggal ng lockdown sa ilang lugar sa Quezon City, isinailalim ngayon sa special concern lockdown ang isang compound sa Barangay Tandang Sora.

Una rito, ang isang empleyado ng isang ahensya ng gobyerno na unang nakaranas ng sintomas matapos mag-celebrate ng birthday na dinaluhan ng mga kamag-anak at mga kaibigan at December 9 naman nang lumabas ang resulta na nagpositibo ito sa sa COVID-19.

Nasa 81 na indibidwal ang na-trace na nagkaroon dito ng close contacts kasama rito ang isang buntis, pitong senior citizens at anim na menor de edad.


Sa 44 katao na nakunan ng swab test, sampu ang nagpositibo dahilan para ilagay ang lugar sa special concern lockdown.

Facebook Comments