BI, may paglilinaw sa mga papasaherong papasukin sa bansa mula sa layover sa mga bansang may travel ban ang Pilipinas

Naglabas ng paglilinaw ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa mga pasaherong papayagang pumasok sa bansa partikular sa mga nag-transit mula sa mga bansang may pinaiiral na extended travel ban ang Pilipinas.

Sa harap ito ng travel ban na pinaiiral ng Pilipinas sa mga pasaherong mula sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates kasunod ng pagkalat ng India variant ng COVID-19

Ayon sa BI, ang mga papayagan lamang na pumasok sa Pilipinas ay mga pasaherong nag-transit sa naturang mga bansa pero hindi lumabas ng airport terminal o hindi tinatakan ang passport ng immigration authorities kung saan sila nag-transit o nag-layover.


Sa ilalim ng nasabing extended travel ban, ang mga pasaherong may travel history sa nakalipas na 14 na araw sa naturang pitong bansa ay hindi papayagang pumasok sa Pilipinas.

Sila ay otomatikong mae-exclude at pababalikin sa bansang kanilang pinanggalingan.

Facebook Comments