Naglabas ang Bureau of Immigration (BI) ng Lookout Bulletin Order laban kay Tomasino Aledro, isa sa mga suspek sa pagpatay sa Radio Broadcaster na si Dindo Generoso sa Negros Oriental.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary at Co-Chair ng Presidential Task on Media Security (PTOFMS) na si Martin Andanar, humiling na sila Sa Dept. of Justice (DOJ) na atasan ang BI na mag-isyu ng Lookout Bulletin Order.
Sinabi naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra, inatasan na nila ang Office of the City Prosecutor sa Dumaguete na mag-apply ng Pre-Caustionary Hold Departure Order (HDO) sa lalong madaling panahon.
Sa ilalim ng HDO, hindi makaka-alis ng bansa ang na-isyuhan nito.
Facebook Comments