BI, naglabas ng panuntunan para sa mga Philippine Nikkei-Jin

Naglabas ng bagong guidelines ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga Philippine Nikkei-Jin.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, inaprubahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang guidelines na layong matugunan ang mga suliranin sa immigration ng mga Filipinos na may status na Nikkei-Jin sa ilalim ng Japanese law.

Pinaliwanag ni Tansingco na ang ‘Nikkei-Jin’ ay terminong ginagamit sa mga Japanese emigrants at kanilang descendants o mga anak, na umalis sa Japan at piniling manirahan sa ibang bansa.


Batay sa datos mula sa asosasyon ng Nikkei and Japanese Abroad, mahigit tatlong milyong Nikkei-Jin ang naninirahan na sa kanilang adopted countries at may pinakamalaking komunidad ang nasa Brazil, USA, China, Canada, Peru, at Pilipinas.

Binigyang pansin din ng BI na nagpapalabas ng dokumento ang gobyerno ng Japan bilang pagkilala sa Philippine Nikkei-Jin bilang Japanese nationals.

Sa nasabing guidelines, maaaring umalis ng Pilipinas ang isang Nikkei-Jin nagtataglay man o hindi ng pasaporte.

Sa sandali namang talikuran ng Nikkei-Jin ang pagiging Filipino, siya ay ta-tratuhin sa bansa bilang dayuhan na kailangang sumailalim sa mga regulasyon ng Pilipinas patungkol sa mga dayuhan.

Facebook Comments