BI, naglatag na ng ilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga pasahero bago mag-Pasko at Bagong Taon

Siniguro ng Bureau of Immigration (BI) na handa ang kanilang pwersa para magbantay sa mga entry at exit points ng bansa.

Ito’y kasabay ng inaasahang pagdami ng bibiyahe dahil sa holiday season lalo na sa Pasko at Bagong Taon.

Kabilang na rito ang pagde-deploy ng dagdag na personnel at mobile counters na magbabantay at magbibigay ng tulong sa mga biyahero.


Partikular na tututukan ang banta tulad ng pagpuslit ng sex offenders, human traffickers, at illegal recruiters na nambibiktima ng mga Pilipino.

Sa pagtataya ng Immigration, posibleng umabot pa sa higit 1.5-million ang arrivals sa mga paliparan at pantalan bago matapos ang Disyembre.

Mas mataas kumpara sa higit 1.1-million arrivals noong Nobyembre, kung saan halos kalahati ay mga dayuhang turista.

Bukod dito, naiulat din ng tanggapan na sumigla ang outbound tourism o dami ng mga Pilipinong nagbabakasyon sa ibang bansa na umaabot na sa 1.1 million noong nakaraang buwan.

Facebook Comments