Bawas-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong buwan ng Disyembre

Good news para mga konsyumer ng Meralco dahil magpapatupad ng bawas- singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Disyembre.

Sa kanilang abiso, 80 centavos per kilowatt hour ang kanilang ibabawas bunsod ng pagbagsak ng halaga ng kuryente sa spot market.

Katumbas ang bawas-singil sa kuryente ng P159 para sa mga kumukunsumo ng average na 200 kwh at P398 para sa mga kumukonsumo naman ng 500 kwh.


Facebook Comments