BI, nagpaliwanag sa panghihimasok nila sa imbestigasyon sa scamming hubs sa residential houses sa NCR

Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpasok nila sa imbestigasyon sa napaulat na scamming hubs sa ilang residential houses sa Metro Manila.

Ayon sa BI, bagama’t ito ay maituturing na local law enforcement agency matter, ito anila ay krimen na ginawa sa bansa at mga dayuhan ang sangkot dito.

Tiniyak din ng BI na nakikipag-ugnayan na sila sa ibang mga awtoridad para matunton ang scamming hubs ng ilang dayuhan.


Hinimok din ng BI ang mga ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa kampanya laban sa human trafficking at illegal recruitment sa bansa.

Facebook Comments