Itinutulak ng Bureau of Immigration (BI) na masimulan na ang modernisasyon sa paliparan sa susunod na taon.
Ito ay upang makahabol ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa ginagamit na teknolohiya.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco, ay magkaroon tayo ng advance passenger information system (API).
Sa ilalim ng sistema maaring agad na mapigilan ang pagbiyahe ng isang undesirable passenger .
Plano rin nila aniyang dagdagan ang mga electronic gates sa arrival at departure area ng mga malalaking airport sa bansa gaya nang NAIA 1, 3, Cebu, Bohol, Clark, Davao at iba pa.
Kasama na ito sa kanilang budget para sa susunod na taon.
Nais din ng BI na makabili na ng third generation e-gates at mapalitan ang ilang manual counters.
Bahagi pa ng modernization plan ng bureau ay ang pagkakaroon ng biometrics capturing technology.
Posible rin daw ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa kanilang operasyon gaya ng ginagawa sa Canada at Singapore.
Samantala, tiniyak naman ng BI na hindi nila aalisin sa pwesto ang mga personnel na naka-assign sa mga manual counters.
Sila ay bibigyan lamang ng mga bagong trabaho o responsibilidad sa paliparan.