BI, umapela ng tulong para mabigyan ng personal protective equipment ang kanilang mga tauhan

Umapela ng suporta at tulong si Immigration Commissioner Jaime Morente para mabigyan din sila ng personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng COVID-19 outbreak.

Ayon kay Morente, kulang ang PPEs para sa mga frontline personnel lalo na sa mga nakatalaga sa airports at seaports.

Aminado din ang opisyal na nahihirapan silang makakuha ng masks, alcohol, at iba pang PPEs dahil sa kakulangan ng suplay hindi lamang sa bansa maging sa buong mundo.


Sinabi naman ni Port Operations Division Chief Grifton Medina na nakakaramdam ng takot ang mga opisyal na ma-exposed sa COVID-19 dahil sila ang unang-unang nakakaharap ng mga pasaherong mga carriers ng virus.

Magkaganoon pa man gumagawa na sila ng hakbang para matugunan ang sitwasyon ng mga frontliners sa kasagsagan ng implimentasyon ng enhanced community quarantine.

Iginiit naman ni Morente na bahagi ng kanilang SOP na tiyakin na ang kalusogan ng kanilang mga tauhan ay masuri sa COVID-19 kung sila ay nakasakamuha ng pasyente positibo ng virus.

Facebook Comments