BI, walang record na nakalabas na ng bansa si suspected drug lord Peter Lim

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang record ang Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na ng Pilipinas si suspected drug lord Peter Go Lim.

Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Interior Sec. Eduardo Año na maaaring nakaalis na ng Pilipinas si Lim.

Ayon kay Guevarra, base sa mga record ng BI ay ang huling paglabas ni Lim ng bansa ay noon pang 2017.


Kinumpirma rin ni Guevarra na ang pasaporte ni Lim na napaso noong 2019.

Gayunman, hindi inaalis ng kalihim ang posibilidad na dumaan si Lim sa mga “extensive coastline” at backdoors ng Pilipinas lalo na sa southern borders.

Si Lim ay wanted sa kasong drug trading at sinasabing konektado ito sa Kerwin Espinosa drug group.

Facebook Comments