BIAF – MILF AT GRUPO NI ABU TURAIFE MULING NAGKASAGUPA SA MAGUINDANAO

Muli na namang nagkasagupa ang tropa ng Bangsamoro Islamic Armed Forces(BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) at ang ISIS inspired group na pinamumunuan ni Ismael Abdulmalik alyas Abu Turaife ng Jamaah Almuhajireen Wal Ansar, break away group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter(BIFF).
Sinabi ni 6th Infantry Division Public Affairs Office Chief at 6th id Spokesman Army Capt. Arvin Encinas magkahapon kahapon nagkabakbakan ang dalawang grupo sa Barangay Andavit sa bayan ng Datu Saudi at Barangay Tee sa bayan ng Datu Salibo pawang nasa lalawigan ng Maguindanao.
Sa panig ng militar sinabi ni Capt. Encinas patuloy ang kanilang pagsuporta sa mga pangangailangan ng BIAF-MILF at nagsasagawa rin sila ng operasyon laban sa BIFF sa bahagi SPMS box.
Unang nagkasagupa ang magkabilang grupo noong Aug 2, 2017 sa Barangay Pusaw sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments