Bibilhing P2 bilyon gulfstream business jet ng PAF hindi mamahalin – Lorenzana

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi “luxury” o mamahaling jet plane ang bibilhin nila sa Estados Unidos.

Ginawa ni Lorenzana ang paglilinaw matapos ang mga batikos sa social media na kinakaya ng gobyerno ang pagbili ng mamahaling aircraft pero hindi maayos-ayos ang traffic sa Metro Manila.

Bukod pa ito sa sinasabi ng ilang sektor na na nasakripisyo ang budget ng ilang government agencies dahil sa pagbili ng mamahaling jet plane.


Ayon sa kalihim, ang G280 jet plane ay mahalaga para sa AFP modernization program dahil magagamit ito ng AFP para sa kanilang misyon.

Napagkasunduan din daw ito bilhin ng DND at AFP Senior leaders nang nakalipas pang taon.

Hindi rin daw ito magiging presidential plane dahil hindi naman nagpahayag ang pangulo na nais niyang bumili ng executive jet para kanyang magamit sa kanyang mga byahe.

Dahil ang bibilhing 2 bilyong piso jet plane aniya ay magsisilbing command and control plane ng AFP at DND.

Facebook Comments