BIBILI NA | PDEA, Nasa proseso na ng pagbili ng 100 Narcotic Detection Dogs

Manila, Philippines – Kasabay ng pinaigting na war on drugs, pinabibilis na ang proseso ng pagbili ng 100 Narcotic Detection Dogs ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa isinagawang ground breaking ceremony ng 21 million pisong halaga ng PDEA K9 unit Facility sa San Jose Del Monte City, Bulacan, inanunsyo ni PDEA Director General Aaron Aquino, Ang itatayong pasilidad sa 5 libong square meters na lawak ng lupain ay magsisilbing tahanan at training ground ng mga k9 units ng ahensya.

Ito ay karagdagan sa kasalukuyang 72 K-9 units ng PDEA na layong mapalakas pa ang monitoring at interdiction capabilities nito sa mga paliparan at daungan sa buong bansa.


Aniya ,Mahalaga ang K9 facility lalo pat ang Pdea ang lead agency sa anti drug campaign ng Duterte Administration.

Sa mga naunang Narcotic Detection Dogs ng PDEA, 34 sa kabuuang 72 ay ginagamit sa anti drug operations ng mga Regional Offices sa buong bansa.

13 dito ay nasa Seaport Interdiction Units ng Regional Office sa NCR at Bureau of Corrections at 4 ang inihahanda para palahian at 21 naman ay para sa adoption.

Kaugnay nito ,nagdagdag na rin ng 100 K9 handlers ang pdea na ideneploy din sa mga seaports at airports nationwide.

Facebook Comments