Manila, Philippines – Kinumpirma ni Dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go na pupuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinangyarihan ng pagpatay sa 9 na magsasaka sa Negros Occidental.
Sa isang text message ay sinabi ni Go na bukas pupuntahan ng Pangulo ang Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City kung saan gusto ng Pangulo na personal na makita ang sitwasyon.
Nakapagbigay narin naman aniya ng direktiba si Pangulong Duterte sa mga otoridad na magsagawa ng malalim na imbestigasyon at tutukan itong mabuti.
Sinabi pa ni Go na nakalulungkot ang insidente lalo pat mayroong dalawang menor de edad na nadamay sa pamamari.
Una nang kinondena ng Malacanang ang pagpaslang sa 9 na magsasaka kung saan tiniyak nito na gagawin ng pamahalaan. Ang lahat para maibigay sa mga pamilya ng mga napatay ang hustisyang dapat na ibigay sa kanila.