2018 MISS GLOBE | Michele Gumabao – bigong masungkit ang korona

Kahit bigong masungkit ang korona sa 2018 Miss Globe Coronation sa Albania, taas-noo pa rin daw na uuwi ang pambato ng Pilipinas na si Michele Gumabao.

Ayon sa 26-year old volleyball star – ibinigay naman niya ang kanyang “best” at ipinagpapasa-Diyos na niya ang kanyang tadhana matapos ang pagkatalo.

Nakaabot hanggang top 15 si gumabao kung saan nasungkit niya ang dream girl award at ang itinanghal bilang miss social media matapos hakutin ang 30.22 percent ng online votes.


Kinoronahan naman bilang Miss Globe si Yo Yizhou ng China, habang 1st runner up si Miss Australia Montana Farrah Seaton at 2nd runner up ang pambato ng Turkey.

Sa ngayon, isa pa lang ang Miss Globe Crown ng Pilipinas na naiuwi ni Ann Colis noong 2015.

samantala, sunod na aabangan ng mga pinoy ang magiging kapalaran ng cebuana beauty na si eva psychee patalinjug sa pagsabak niya sa miss grand international na gaganapin sa myanmar sa october 25

Facebook Comments