Cauayan City, Isabela- Naglabas ng panuntunan ang lokal na pamahalaan para sa mga local tourist na bibisita sa ‘rolling hills’ sa Barangay Planas, Ramon, Isabela.
Ito ay batay sa Executive Order No. 11 na pirmado ni Mayor Jesus Laddaran na may petsang Enero 18,2021.
Nakasaad sa kautusan, ang sinumang turista na magmumula sa labas ng bayan ay kakailanganing magparehistro sa LGU Tourism Office.
Kailangan rin na maipresenta ang anumang valid proof of identification, medical certificare at Travel pass mula sa bayan/ siyudad kung saan ang pinanggalingan bago makapasok sa nasabing pasyalan.
Paraan ito ng lokal na pamahalaan upang masigurong nasusunod ang minimum health standard laban sa COVID-19.
Kaugnay nito, hindi papayagang makapasok ang sinuman sa nasabing pasyalan kung hindi susunod sa itinakdang kautusan.
Pinapayuhan naman ang mga turistang bibisita sa lugar na sumunod sa zero-waste policy.