NBI, nakumpleto na ang isinagawang imbestigasyon sa labi ni Dacera

100

Nakumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isinagawang forensic investigation sa labi ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Makati Medical Center kung saan unang isinugod si Dacera matapos matagpuang walang buhay sa City Garden Grand Hotel noong Enero 1.


Aniya, ipauubaya na ng DOJ sa NBI kung nais nitong isapubliko ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Una nang nakakuha ang NBI ng urine sample sa bangkay ni Dacera na magagamit para matukoy kung may presensya ng alak o iligal na droga sa kanyang katawan.

Matatandaang, 11 indibidwal ang nasasangkot sa pagkasawi ni Dacera.

Facebook Comments