BIBISITAHIN | Pangulong Duterte, nakatakdang humarap sa Filipino community sa Hong Kong ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang makaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pinoy sa Hong Kong ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Duterte, kukumustahin niya ang mga pinoy sa Hong Kong at babalitaan sa mga nangyayari sa Pilipinas.

Martes ng gabi ng dumating sa Hong Kong ang Pangulo matapos dumalo sa Boao Forum sa Hainan, China.


Samantala, nakipagsalu-salo sina Duterte at partner niyang si Honeylet Avanceña sa isang hapunan kasama ang kanilang mga kaibigan sa Hong Kong.

Sa mga larawan na inilabas ng malakanyang, present din sa dinner sa Harbour View sa Hong Kong sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Nagpakuha din ng larawan ang Pangulo sa mga guest sa nasabing dinner na ayon inilarawan ng palasyo na pawang “old friends” ni Duterte at Avanceña.

Sa Biyernes ng umaga inaasahang babalik ng bansa ang Pangulo.

Facebook Comments