Amerika – Posibleng bisitahin ni US President Donald Trump ang Jerusalem kung saan itinakdang ilipat ang embahada nito mula sa Tel Aviv.
Nabatid na kinikilala ni Trump bilang kabisera ng Israel ang Jerusalem.
Ayon kay Trump, ang US Embassy sa Jerusalem ay bubuksan sa May 14 sa isang pansamantalang lugar habang itinatatag ang permanenteng lokasyon nito.
Una nang sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na bukas siya sa pagbisita ni Trump sa kanilang bansa.
Facebook Comments