Bibiyaheng train ng MRT-3, babawasan sa Lunes

31

Babawasan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kapasidad ng mga train nito matapos pumalo sa 127 ang bilang ng mga emplyeyado nito na nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 124 ay empleyado ng service provider ng MRT-3 na Sumitomo Mitsubishi.


Inanunsyo ng MRT-3 management na simula sa Lunes, July 6, 2020, babawasan na ang mga train na bibiyahe.

Mula sa tumatakbong 16-19 na train kada araw, gagawin muna itong 10-12 trains per day.

Facebook Comments