Bicam sa 2020 budget, hindi magiging madugo – Speaker Cayetano

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi magiging madugo ang Bicameral Conference Committee para sa 2020 national budget.

Ayon kay Cayetano, tiwala siyang magkakasundo ang Kamara at Senado sa bicam kahit pa inaasahang hihimayin ng husto ng mga senador ang pambansang pondo para matiyak na walang pork, parked funds at insertions sa budget.

Kumpyansa ang house speaker na walang mali sa ginawang realignments ng Kamara dahil transparent naman ang kanilang report sa budget.


Naging mabigat lamang aniya ang bicam noon dahil maliit ang budget at wala pa namang Build, Build, Build Program.

Naiintindihan rin ng mga kongresista ang prinsipyo ni Senator Ping Lacson at iginagalang nila iyon kaya naman batid nilang walang personalan dito.

Facebook Comments