Bicameral conference committee report ng 2022 national budget, niratipikahan na ng Kamara

Niratipikahan na ng Kamara ang bicameral conference committee report para sa P5.024 trillion na 2022 national budget.

Sa huling sesyon ngayong hapon ay niratipikahan ang bicam report ng pambansang pondo sa susunod na taon.

Dahil ratified na, susunod ay iaakyat na ang 2022 national budget sa tanggapan ng pangulo upang malagdaan.


Inaasahan ng mga mambabatas na bago mag-Pasko ay pirmado na ito ng pangulo at maipatupad na pagsapit ng Enero.

Kabilang sa mga “salient points” na napagkasunduan ng Kamara at Senado sa bicam ay ang P50 billion para sa Special Risk Allowance (SRA) ng health care workers, P50 billion para sa COVID-19 booster shots, P3.5 billion para sa pagbili ng mga bagong C-130 ng Air Force, P32 billion para sa State Universities and Colleges (SUCs), at P16 billion para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang panukalang P5.024 trillion para sa susunod na taon ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng ating bansa at ito rin ang huling budget sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments