Dalawang foreign nationals ang inaresto ng mga elemento ng PDEA RO 4 at 5 dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.
Kinilala ang dalawa na sina AGU AUSTIN CHUKWUEBUKA and NKWOCHA CHIMAOBI na pinaniniwalaang pawing mga miembro ng African Drug syndicate na nag-oopera sa bansa. sila ay pinaniniwalaang mga miembro din ng African Drug Syndicate (ADS) na nagmamaniobra dito sa bansa.
Isinagawa ang drug buy-bust operation noong March 9, 2018 ganap na alas 2 ng hapon sa Parking Lot ng McDonalds sa Talaba 4, Bacoor City sa lalawigan ng Cavite.
Ang operasyon ay pinangunahan nina PDEA ROV Camarines Sur Agent Vidal Bacolod , PDEA RO4A Dir. Adrian G. Alvariño, PDEA SES Dir. Levi S. Ortiz at PDEA ROV Dir. Christian O Frivaldo.
Nakumpiska mula sa mga suspects ang isang plastic na naglalaman ng suspected Shabu na may timbang na humigit-kumulang 500 grams na tinatayang nagkakahalaga ng 2.5M pesos
Sila ngayon ay nasa custody ng PDEA RO4A para sa karampatang kaso.
Magugunitang noong November 8, 2017, ibinalita rin dito sa rmn.ph/dwnx naga 1611 na may 2 ring pawang Nigerian nationals na inaresto sa Cavite na pinaniniwalaang mga supplier din ng illegal na droga sa Bicol region. For story, visit rmn.ph/2-nigerians-kinalawit-sa-kawit-cavite-sa-combined-drug-ops-ng-pdea-camsurro5ro4a.