Mananatili hanggang alas-9:00 ngayong umaga ang bisa ng NOTAM o Notice to Airmen ang inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Una nang naglabas ng panibagong NOTAM ang CAAP kahapon kasunod na rin ng biglaang pagbuga ng abo mula sa Bulkang Mayon na maaaring magdulot ng panganib sa mga sasakyang panghimpapawid.
Pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan na may taas 10,999 feet.
Ayon sa CAAP, iniulat din ng area manager na si Cynthia Tumanut na ang Bicol International Airport (BIA) ay nasa normal ang operasyon at walang naiulat na pagkansela ng mga flight.
Facebook Comments