Dating Sen. De Lima, sa PNP General Hospital nagpalipas ng magdamag

Habang isinasapinal ang security plan para kay dating senadora Leila De Lima.

Sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) muna nagpalipas ng gabi ang dating senadora.

Ito’y matapos ang hostage taking na nangyari sa kanya kahapon sa loob ng PNP Custodial Center.


Ayon kay PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., inilipat muna pansamantala si De Lima sa Shriner’s Ward o VIP ward ng PNPGH.

Samantala, sa nakalipas na magdamag, naging mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa Custodial Center kung saan bantay sarado ito ng mga pulis.

Wala din munang pinapayagang bumisita sa PNP Custodial center.

Facebook Comments