Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na nananatiling on-track ang konstruksyon ng ₱4.978 billion Bicol International Airport Development Project sa kabila ng pagtama ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, inaasahang matatapos ang proyekto sa December 31 kahit nakiusap ang contractor na i-urong ang deadline sa first quarter ng 2021.
Iginiit ng kalihim na kailangang matapos ang proyekto sa itinakdang deadline na hindi naisasaalang-alang ang kalidad at ang incurring additional costs.
Ang Bicol International Airport Project ay layong mag-develop ng bagong gateway sa Daraga, Albay na pasok sa international standards kapalit ng Legazpi Airport.
Kakayanin nitong tumanggap ng malalaking aircraft para makapagserbisyo ng mas maraming pasahero.