Kahit wala pang kumpirmadong balita ng NCoV sa Kabikolan, puspusan pa rin ang paghahanda ng Department of Health-Bicol na protektahan ang publiko laban sa virus na ito sa pamamagitan ng pag-designate ng tatlong malalaking hospital bilang mga referral centers.
Ang tatlong malalaking pagamutang ito ay kinabibilangan ng Bicol Medical Center (BMC) sa Naga City, Bicol Sanitarium sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur, at ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa bayan ng Daraga, probinsiya ng Albay.
Kaugnay nito,ang mga pasyenteng manggagaling sa Camarines Norte at Camarines Sur ay maaaring dalahin sa BMC, samantalang ang mga pasyenteng manggagaling sa Masbate, Sorsogon at Albay ay pwede doon sa BRTTH. Back-up naman ang Bicol Sanitarium sa Cabusao kung sakaling puno na at wala ng bakanteng kwarto na mapapasukan ang mga pasyente sa dalawang naunang hospital na nabanggit.
Ang mga may pinaghihinalaang kaso ng NCoV ay ipapasailalim sa matinding pagsusuri ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health Bicol bago gamutin sa alinmang pinakamalapit na referral center.
Hanggang sa ngayon, positibo pa rin ang mga opisyaled ng Department of Health Bicol na ligtas ang publiko at wala pang kumpirmadong apektado ng sakit na NCoV sa iba’t-ibang bahagi ng Kabikolan.
Kamakalawa lamang ay nagpalabas ng direktiba ang DOH na ang mga Local Chief Executives lamang ang otorisadong magpapalabas ng pahayag tungkol sa NCoV cases sa kani-kanilang respective municipalities and cities, kungf kayat pinaalalahanan ang publiko na huwag magpakalat ng fake news at wag basta maniwala sa kung anu-anong social media posts tungkol sa NCoV nang hindi kinukumpirma ng mga opisyal ng pamahalaang lokal.
# dwnx kuwarenta y singko
Bicol Medical Center, 2 Iba Pang Ospital, Itinalagang NCoV Referral Centers
Facebook Comments