BICOL MEDICAL CENTER SA NAGA CITY DAPAT NG MADAGDAGAN ANG BED CAPACITY

Kailangan na talagang madagdagan ang bed capacity ng Bicol Medical Center dito sa lungsod ng Naga. Ito ang nilalaman ng proposed bill ni Cong. Gabby Bordado ng ikatlong distrito ng Cam. Sur na kanyang isusumite sa kongreso sa darating na lunes.
Ayon sa tala ng management ng BMC na siyang pinakamalaking pampublikong ospital sa Bikol umaabot sa 800 na mga pasyente ang pumapasok sa pagamutan habang mayroon lang itong 300 na bed capacity.
Dahil dito nauukopa na ng mga naka-admit na pasyente ang mga pasilyo ng ospital.
Sa proposed bill ni Cong. Bordado gagawin ng 1000 ang bed capacity ng nabanggit na pampublikong ospital at gayundin malagyan ng mga kinakailangan na mga medical equipment ang bagong tayong 8-storey building.
KASAMA MO SA DWNX NAGA..RADYOMAN MIKE MARFEGA TATAK RMN.

Facebook Comments