Ano?… 70,000 estudyante sa Kabikolan, hindi Marunong Bumasa?…
Higit-kumulang 70,000 na mga mag-aaral sa elementarya ang hindi marunong magbasa sa rehiyon ng Bikol.
Ito ay ayon sa ipinalabas na impormasyon ng Department of Education na base naman sa isinagawang study nitong nakaraang taon lamang.
Karamihan sa mga “non-readers” nasa grades 1 1nd 2, samantalang umaabot naman sa higit-kumulang 18,000 ang nasa grades 3 hanggang 6.
Kaugnay ng bagay na ito, sinabi naman ni Mr. Gilbert Sadsad, DepEd 5 Regional director na dapat pagtuuunan ito ng pansin ng upang walang niisa mang mag-aaral na maiwanan lalung-lalo na sa larangan ng pagbabasa.
Idinagdag pa niya na dapat palakasin ang programang 5Bs sa lahat ng mga mababang paaralan sa rehiyon. Ang 5Bs program ay sumasakahulugan ng Bawat Batang Bicolano Bihasang Bumasa.
May mga opinyon din ang iba’t-ibang opisyal sa rehiyon na maraming posibleng dahilan kung bakit ganito karami ang mga non-readers sa elementarya sa Kabikolan at dalawa nga rito ay posibleng dahil sa kakulangan ng materiales, o dahil na rin sa dami ng bilang ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan at hindi na natututukan ng guro. May mga nagsabi din na may koneksyon din sa usapin ng kalusugan o nutrisyon ang kakayahan ng mga bata upang matuto o hindi matutong bumasa.
Bicol Region// 70,000 Pupils Hindi Marunong Bumasa?…
Facebook Comments