Manila, Philippines – Ikakasa na ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) ang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na linggo.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – gagawin ang drill sa February 15 (Huwebes) na layuning maisulong ang Disaster Preparedness at Disaster Resilience Communities.
Ani Jalad, ang ceremonial venue ay gaganapin sa Quezon City Memorial Circle ng alas-dos ng hapon.
Hinimok din ng NDRRMC sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya ngayon na may temang: ‘bida ang handa’.
Facebook Comments