BUKAS-BAGAHE | DOTr Secretary Tugade, nanawagan sa responsableng papo-post sa social media ng mga insidente ng ‘bukas-bagahe’ sa paliparan

Manila, Philippines – Hinimok ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang publiko na maging responsible sa pagpo-post sa social media hinggil sa mga insidente ng ‘bukas-bagahe’ ng mga pasahero sa paliparan.

Ayon kay Tugade, ang mga nagdaang insidente ay nag-iwan ng sira sa integridad at katapatan ng mga airport officials at personnel.

Aniya, ang pag-share ng mga hindi beripikadong post ay magpapalala lamang ng sitwasyon.


Suportado ng DOTr ang panawagan ni Manila International Aiport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na isangguni agad sa mga kinauukulan ang mga nais ireklamo bago i-post sa social media.

Facebook Comments