BIFF at militar nagkasagupa sa North Cotabato

Sumklab ang bakbakan sa pagitan ng mga otoridad at armadong grupo na pinaniniwalang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF alas sais ng umaga kamakalawa sa Sitio Dimapolot Brgy. Malingao sa bayan ng Midsayap North Cotabato.
Nangyari ang bakbakan matapos magkaroon ng limang minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga elemento ng 34 IB na nagsasagawa ng foot patrol operation sa lugar at sa hindi inaasahang pangyayari ay agad silang pinaputukan ng nasa pitong armadong kalalakihan. Wala namang tinamaan at nasugatan sa mga sundalo . Mabilis namang tumakas ang mga armado. Dahil dito ay nagsagawa ng Oplan Galugad/Zoning Inspection ang Midsayap PNP sa pangunguna ni PSupt. Gilbert Tuzon at tactical pursuit operation ang 34th IB na pinangunahan naman ni Lt Col Angelo LUtera .Dito ay dalawang hindi sumabog na granada ang narekober .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments