BIFF, hindi suspek sa mga pagpapasabog sa Cotabato at Maguindanao – AFP

Walang kinalaman ang BIFF sa mga pagpapasabog sa Cotabato City at sa Maguindanao nitong nakalipas na halalan.

Inihayag ito 6ID Commander Major General Cirilito Sobejana kasabay ng pagsabi na “endangered species” na ang BIFF.

Ayon sa opisyal, nagtangkang magpakitang-gilas ang BIFF bago mag-eleksyon pero agad silang nahadlangan ng militar, kaya hindi na nakapanggulo ang mga ito sa mismong araw ng halalan.


Kasabay nito, minaliit ng heneral ang mga pagpapasabog sa Cotabato at Maguindanao, na maituturing lang aniyang “pambubulabog”.

Aniya, ang mga naturang pagsabog ay mistulang “politically motivated” sa layong takutin ang mga nagbabantay ng election paraphernalia.

Hindi na aniya dapat pansinin ito dahil wala namang nasaktan at wala ding kapinsalaan sa ari-arian.

Facebook Comments