BIFF/ ISIS Inspired Members sa Maguindanao paubos na ayon sa militar

Pumalo na sa 57 na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ISIS Inspired Members ang sinasabing napatay magmula ng maglunsad ng Law Enforcement Operation ang military simula ng buwan ng Mayo 2018.

Itoy bunsod na rin sa mas pinalakas na kampanya kontra terorismo ng bagong talagang 6th ID Commander BGen Cirilito Sobejana.

Sinasabing kabilang sa mga nasawi ay ang mga Improvised Explosive Devise Trainer at ilang mga Commander ng Grupo.


Matatandaang unang naglunsad ng opensiba ang military sa Liguasan Area na sinundan pa sa SPMS Box at mga kalapit bayan.

Kaugnay nito malaki ang paniniwala ng military na tuluyang humina na ang pwersa ng mga sinusuyod na mga armado. Bukod sa mga nasawi, ilan sa mga ito ang naaresto at nauna na ring sumuko base na rin sa impormasyong ipinarating sa DXMY ng Joint Task Force Central.

File Pic: 6th ID

Facebook Comments