FIBA | Batang Gilas, pumalabing-tatlo sa 2018 FIBA under-17 World Cup

Tinambakan ng Batang Gilas ang New Zealand, 73-51 para tapusin ang kampanya ng Pilipinas sa ika-labing-tatlong puwesto ng 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Argentina.

Umiskor ng 22 points, 10 rebounds at four blocks si Kai Sotto para maitala ng mga Pinoy ang ikalawa nilang panalo sa torneo.

May 12 puntos naman na ambag si Terrence Fortea para sa Batang Gilas.


Unang tinalo ng koponan ang Egypt, 70-69 para makuha ang pinakamataas nitong puwesto torneo.

Noong 2014, nagtapos sa ika-15 puwesto ang Batang Gilas.

Gaya nang inaasahan, ang Estados Unidos pa rin ang nagkampeon sa torneo matapos tambakan ang France, 92-52 sa title game.

Facebook Comments